Monday, July 20, 2009

Nutrisyon;Tungo sa Landas ng Kaunlaran

Katotohanang ang lakas at kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa uri ng mga mamamayan ay mahihina at sakitin,matatamlay at hindi makagawa nang maayos,ano ang dapat asahan kundi isang bansang dahop at napag-iwanan ng kaunlaran.Ngunit kapag ang mga mamamayan naman ay puno ng sigla at buhay,malulusog at masisipag na gumagawa,maaasahang isang maunlad at bihasa ang kanilang bayan.

Malaki ang papel na ginagampanan ng nutrisyon o tamang pagkain sa kalusugan ng mga tao.Ang katawan ng tao ay nangangailangan ng tamang pagkain upang lumakas at lumusog.Kapag nagkulang sa pagkain ang tao,o siya ay''malnurished''siya ay magiging sakitin at laging nanghihina.Pati isip niya ay hindi makapag-iisip na mabuti,parang lagi siyang inaantok.Napapabayaan niya ang kanyang gawain.Nawawala rin ang kanyang interes na magtrabaho.Dito rin napapatunayan na ang kalusugan ay kayamanan at mahalaga para sa kaunlaran ng bansa.Kaya napapansin natin na yaong mga batang may malusog na pangangatawan ay silang nangunguna sa klase,masisigla sa mga gawain,malikhain sa pag-iisip,kaya dapat kailangan ang ating wastong nutrisyon.Malaking suliranin ng ating bansa ang malnutrisyon ng mga mamamayan.Hindi lamang dahilan sa talagang kulang sila sa pagkain kundi yaong may sapat na makakain ay hindi naman wasto ang paraan ng pagkain.Samakatuwid,ang malnutrosyon sa atin ay suliranin ng kakulangan ng pagkain.May mga ipinapatupad rin ng gobyerno na ''feeding program''.
Tunay na ang kaunlaran ng bayan ay nakatali sa kalusugan ng mga mamamayan at nakasalig ito sa tamang nutrisyon.Para sa kabutihan ng bawt mamamayan at ng kanilang kalusugan,at para rin naman sa ikauunlad ng bansa.Kaya nararapat tayong makiisa at makipagtulungansa mga programa para sa kinakailangan natin araw-araw ng wastong nutrisyon o tamang pagkain.