Tuesday, December 8, 2009

"PAGPAPATIBAY NG PAGKATAONG PILIPINO"

Sa nakaraang buwan ng Nobyembre,naganap ang Filipino-Values Month Celebration.
"Pagbabago lamang ang permanenteng pangyayari sa buhay."Gayunpaman,nararapat pag-aralan at suriing mabuti kung alin ang dapat baguhin at alin dapat panatilihin.Pansinin natin ang mga Pilipino sa ngayon.Napakalaki na ang pinagbago lalo na kung ang pag-uusapan ay ang mabubuting kaugalianng ipinamana sa atin ng mga ninuno.Napakayaman sa mabubuti at magagandang kaugalian ang mga Pilipino kung saan masasalamin ang tatak ng kanilang pagkalahi.Pangunahin sa mga kaugaliang sadyang maipagmamalaki ng isang Pilipino ang Bayanihan.Ito ang pagtutulungan ng mga magkakakilala at magkakaibigan sa paggawa ng isang bagay upang mapadali ang pagtapos sa isang gawain.Ang Pilipino ay handang tumulong sa anumang paraan,pera o serbisyo.Ang paggalang ay sadyang tatak-Pilipino sapagkat ito ang paraan ng pagpapadama ng paggalang ng mga nakababata sa mga nakatatanda sa kanya.Ang simbang gabi ay isa ring kaugaliang ginaganap sa loob ng siyam na gabi bago dumating ang Pasko.Ang mga Pilipino ay gumigising ng madaling araw upang makinig at makibahagi sa misa bilang paghahanda sa araw ng kapanganakan ni Hesus.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kaugalian na nararapat panatilihin at palaganapin ng mga makabagong Pilipino lalo na sa panahong kasalukuyan na ang marami ay nadadala na sa kaugaliang kanluranin.Kaya pagtibayin ang ating pagkataong Pilipino,tungo sa hamon ng panahon.

No comments:

Post a Comment